^

Police Metro

Anak nasugatan... Pulis opisyal itinumba

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang opisyal ng pulisya habang nasu­gatan naman ang anak nitong kolehiyala matapos na pagbabarilin ng mga suspek na nakamotorsiklo kahapon ng  umaga sa bisinidad ng highway ng Brgy. Sto. Domingo, Biñan City, Laguna.

Ang nasawing biktima dahil sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Sr. Inspector Jerry Uy, nakatalaga sa Administration Office  ng Biñan City Police.

Nasugatan naman ang anak nitong si Jan Debbie, 17 anyos, estudyante na patuloy na nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Sa ulat ni Biñan City Police Director P/Supt. Rizalito Gapas, dakong alas-6:45 ng umaga ay ihahatid sana ng biktima ang anak nito sa eskuwelahan lulan ng kanilang motorsiklo nang biglang paputukan ng mga suspek na nakamotorsiklo.

Mabilis na tumakas ang mga suspek ng kapwa bumulagta ang mag-ama sa kalsada.

Malaki ang hinala ng pulisya na may kinalaman sa trabaho ang motibo nang pamamaril sa biktima.

 

vuukle comment

ADMINISTRATION OFFICE

BRGY

CITY POLICE

CITY POLICE DIRECTOR P

DOMINGO

JAN DEBBIE

RIZALITO GAPAS

SR. INSPECTOR JERRY UY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with