^

Police Metro

Tensyon namayani sa unang araw ng truck ban sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namayani ang tens­yon sa unang araw ng pagpapatupad ng exten­ded truck ban sa lungsod ng Maynila kahapon.

Nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng mga truck drivers at mga miyembro ng Manila Police District dahil sa nais ng mga pulis na hilahin ang ilang mga truck na nakaparada sa harap ng Moriones Gate ng  Manila North Harbor.

Nabatid na ipinarada ng mga driver ang kanilang mga truck sa  harap ng Manila North Harbor bilang protesta sa pinaiiral na Manila City Ordinance 8336, na nagbabawal sa pagpasok ng mga trucks na may bigat na 4,500 kilograms sa lungsod mula 5 a.m. hanggang 9 p.m., maliban tuwing araw ng Linggo at mga  holidays.

Subalit, nagbigay ang city government sa mga truckers ng window period ng limang oras mula  10 a.m. hanggang 3 p.m. na hanggang anim na buwan lamang.

Ang sinuman na mahuhuling lalabag ay pagmumultahin ng P5,000 habang ang kanilang mga truck ay hihilahin.

Ayon naman sa truck groups, na hindi anya sapat ang window period para ma-accommodate ang libong trucks na pumapasok at lumalabas sa pantalan.

 

AYON

LINGGO

MANILA CITY ORDINANCE

MANILA NORTH HARBOR

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

MORIONES GATE

NABATID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with