^

Police Metro

Lider ng sekta sinunog ang sarili

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagsunog sa sarili ang isang lider ng isang sekta matapos na silaban nito ang bahay ng isa niyang miyembro sa San Marino City Subdivision, Salawag, Dasmariñas, Cavite.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Rafael Policarpio, 59-anyos, retiradong sundalo at lider ispiritwal ng ‘Salita ng Diyos’ at naninirahan sa San Pedro, Laguna.

Batay sa ulat, bago naganap ang panununog ng bahay ng biktima sa bahay ng kanyang miyembro na si Asuncion Santiago sa Boston St., South Extension ng nasabing subdivision ay nag-amok ito  gamit ang isang maikling armas saka nagkulong sa bahay ni Santiago at nagsimula na umanong magpaputok ng baril.

Nagawa namang makalabas ni Santiago bitbit ang dalawa nitong anak at iniwan si Policarpio sa loob ng kanilang bahay.

Sinimulan ring sunugin ng biktima ang ilang mga kagamitan sa loob ng 3 storey na bahay ng ginang hanggang sa magresponde ang mga elemento ng pulisya at ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Hindi na nakalabas ang biktima habang nasusunog ang buong kabahayan at nang maapula ang apoy ay natagpuan ang natustang bangkay nito. - Joy Cantos, Cristina Timbang-

 

vuukle comment

ASUNCION SANTIAGO

BOSTON ST.

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CRISTINA TIMBANG

JOY CANTOS

RAFAEL POLICARPIO

SAN MARINO CITY SUBDIVISION

SAN PEDRO

SOUTH EXTENSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with