^

Police Metro

Ex-TRC chief bagong state witness sa pork barrel scam

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Secretary Leila de Lima na isa nang ‘provisional state witness’ si dating Technology Resource Center (TRC) director general Dennis Cunanan matapos na magsumite ng kaniyang sinum­paang salaysay sa Office of the  Ombudsman.

Maalala na sa testimonya ng mga whistleblowers, na ang ahensiya ni Cunanan sa ilalim ng Department of Science and Techonology (DoST) ay naging “conduit” umano ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles.

Sa naging salaysay ni Cunanan, kinontra nito ang mga nakasaad sa counter affidavit ng mga senador na dawit sa kontrobersiyal na anomalya.
Si Cunanan ay panga­lawang respondent na una nang nakasuhan at ngayon ay naging state witness kasunod ni dating socialite  secretary Ruby Tuason.

Una nang sinabi ni Atty. Levito Baligod, na si Cunanan ang nagkumpirma na nakausap nito Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. at iba pang mambabatas para iberipika ang pirma ng mga ito sa endorsement letters para sa mga organisasyon ni Napoles.

Si Revilla ay kabilang din sa 38 mga respondents na nahaharap sa kasong plunder, malversation, bribery at iba pang kaso sa Office of the Ombudsman.

Una na ring itinanggi ni Revilla na sa kaniya ang lagda na nakasaad sa endorsement letters na naglalaan ng P504 million ng kaniyang pork barrel sa mga NGOs ni Napoles.

CUNANAN

DENNIS CUNANAN

DEPARTMENT OF JUSTICE

DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHONOLOGY

JANET LIM-NAPOLES

LEVITO BALIGOD

NAPOLES

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

REVILLA JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with