^

Police Metro

Pamangkin ng dating opisyal ng pulis dinukot

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang magandang dalaga na pamangkin ng isang retiradong pulis opisyal na naging hepe ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang dinukot  ng anim armadong kala­lakihan kamakalawa ng gabi sa Brgy. Mercedes, Zamboanga City.

Ang biktima ay kinilalang si Sabrina Ikbala Bon  na pamangkin ni dating ARMM Police Director ret. Chief Supt. Sukarno Ikbala.

Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi sa kahabaan ng Pohoc Drive, Brgy. Mercedes, Zamboanga City ay puwersahang kinaladkad ng anim na mga armadong kalalakihan pasakay sa isang  kulay puting van (GPH-581)  ang biktima at pagkatapos ay isinakay sa pump boat patungo sa karagatan ng Mulu-Muluan Islan.

Narekober naman ng mga nagrespondeng ele­mento ng pulisya at militar ang nasabing getaway vehicle na inabandona ng mga kidnapper sa bahagi ng Interior Dungkaan, Sitio Gapo, Brgy. Talabaan ng lungsod na ito.

vuukle comment

AUTONOMOUS REGION

BRGY

CHIEF SUPT

INTERIOR DUNGKAAN

MERCEDES

MULU-MULUAN ISLAN

MUSLIM MINDANAO

POLICE DIRECTOR

SABRINA IKBALA BON

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with