^

Police Metro

Mister inutas sa harap ng pamilya

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Itinuloy pa rin ng hindi pa kilalang gunman ang pagbaril sa isang mister kahit na naninikluhod ang misis at mga anak na naganap kamakalawa ng gabi sa  Brgy.Waling-Waling, Sagun, Zamboanga del Sur.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Orlando Ursal, 30-anyos.

Sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi ay nagla­lakad ang biktima kasama ang misis at mga anak patungo sa tindahan para bumili ng softdrinks nang hara­ngin ng suspek na armado ng cal. 45 pistol.

Iniumang ng suspek ang baril sa biktima at sa kabila ng pagma­kaawa ng misis at nag-iiyakang mga paslit na anak ay pinaputukan ito ng limang beses sa ulo at katawan.

Duguang bumagsak sa lupa ang biktima at ilang saglit pa ay binawian ito ng buhay habang mabilis namang tumakas ang suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung ano ang motibo ng pagpatay at sino ang suspek.

Narekober sa crime scene ang limang basyo ng cal. 45 pistol.

vuukle comment

BRGY

DUGUANG

INIUMANG

ITINULOY

NAREKOBER

ORLANDO URSAL

PATULOY

SAGUN

WALING-WALING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with