^

Police Metro

Pader bumagsak: Obrero pisak

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napisak ang isang obrero makaraang mabagsakan ng pader na kanilang ginigiba sa Muntinlupa City kahapon ng umaga.

Kinilala ni Police Senior Supt. Roque Eduardo Vega, hepe ng Muntinlupa City Police ang biktima na si Joselito Bairoy, 48, nakatira sa Barangay Upper Sucat  sa lungsod.

Sa pagsisiyasat ni  SPO1 Eduardo Rodaje, ng Muntinlupa Homicide section, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-9:30 ng umaga sa #37 Km 23, Ibarra St., Rizal Village, Barangay Cupang, Muntinlupa City.

Ayon sa report, habang abala ang dalawang kasama ng biktima na sina Jimmy Solano, 58 at Julian Macuha, 40, kapwa taga Barangay Upper Sucat  ng natu­rang lungsod sa pagsasagawa ng demolition sa isang abandonadong gusali nang mabagsakan ng gumuhong pader ang biktima na noon ay nagtatanggal ng mga bakal.

Sa tindi ng pagkaka­dagan ng pader sa biktima kaya napisak ang katawan nito at agad na nasawi.

Kaagad naman ipinagbigay alam nina Solano at Macuha ang insidente sa iba pa nilang kasamahan na siyang nagtulong-tulong para alisin ang dumagan na pader sa biktima.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng masu­sing imbestigasyon ang pulis­ya at posibleng pa­panagutin ang may-ari ng ginigibang gusali dahil sa kawalan ng kaukulang safety net ng kanyang mga trabahador.

vuukle comment

BARANGAY CUPANG

BARANGAY UPPER SUCAT

EDUARDO RODAJE

IBARRA ST.

JIMMY SOLANO

JOSELITO BAIROY

JULIAN MACUHA

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with