^

Police Metro

Lover ni nanay, inutas ng anak

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi matanggap ng isang anak na makita na sinasaktan ang kanyang minamahal na nanay kung kaya’t sinaksak nito ang ka-live naganap kamakalawa ng gabi sa Pandacan, Maynila.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa tatlong tama ng saksak sa likod ay kinilalang si Ernesto Piga Jr., 35-anyos, construction worker.

Tumakas naman ang suspek na si Sonny Boy Dangani III, 19-anyos at kasamang nakatira sa bahay ng biktima na matatagpuan sa Obesis St., Pandacan, Maynila.

Batay sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang krimen dakong alas-9:30 ng gabi sa loob ng bahay ay kainuman ng biktima ang lover na si Rosalia Dangani na nanay ng suspek at kapatid na si Ronnel Antipuesto.

Bigla na lamang nag-away ang  magka-live-in dahil sa naghihinala ng biktima na may ibang kalaguyo si Rosalia hanggang sa iwanan na ang mga ito.

Pagkaalis ni Ronnel ay nagpatuloy ang away ng dalawa hanggang sa dumating ang suspek at nakita na sinasaktan ang ina kaya’t ipinagtanggol ito.

Kaya ang biktima at suspek ang nagsagupa at kapwa nagbunot ng dala nilang patalim, subalit dahil sa lasing ang biktima ay wala itong magawa nang pagsasaksakin ng suspek.

Nakatakbong palabas ng bahay ng biktima, su­balit bumagsak ito dahil sa tinamong saksak at hindi nagtagal ay binawian na ng buhay.

BATAY

BIKTIMA

ERNESTO PIGA JR.

MAYNILA

OBESIS ST.

PANDACAN

RONNEL ANTIPUESTO

ROSALIA DANGANI

SONNY BOY DANGANI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with