^

Police Metro

Nag-amok dedo sa pinsang pulis

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa matinding depresyon ng suspek na si Mark Victor Yanguas, 26, ng Block 14,  Lot 11, Fern St., Evergreen County,  Zapote, Biñan, Laguna buhat ng mamatay ang tatay ay nagawa nitong mag-amok na ikinasawi ng kanyang pinsan na si Madlyn Kane Lee, 31, ng M. Hizon St., Sta. Cruz, Maynila dahil sa 6 na saksak na tinamo sa katawan.

Sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi nang magtungo ang suspek sa bahay ng pinsang si Lee na nagsabing may mga humahabol sa kanya na mga armadong lalaki.

Natatakot si Lee sa hitsura ng suspek kaya’t tinawagan nito ang ina na si Maria Josie upang sunduin, subalit nang duma­ting ang ina at kapatid na si Dam ay nagtatakbo sa kusina at kumuha ng patalim ang suspek at  sinaksak ang ina at kapatid.

Naghuhugas ng fee­ding bottle si Lee nang siya ay saksakin at nang makatakbo ay hinabol ito at nang makorner ay mu­ling pinagsasaksak.

Narinig ni PO1 Christian Greg Reyes, 30, ng Kamuning Police Station (PS-10) Quezon City na ang misis ay pinsan ng suspek kaya’t rumesponde ito kasama ang barangay tanod na si Edgardo Alcantara, 45.

Subalit nang papasok sa silid na kinaroroonan ng suspek ay pinagpapalo sila at sinaksak  kaya’t napilitan si PO1 Reyes na barilin ito sa hita.

Hindi pa rin napayapa ang suspek at sumusugod pa kaya napilitan barilin muli ni PO1 Reyes sa dibdib na ikinasawi nito.

Simula nang mamatay ang ama ng suspek noong Disyembre 2013 ay naging malungkutin at nawawala na ito sa sarili.

CHRISTIAN GREG REYES

EDGARDO ALCANTARA

EVERGREEN COUNTY

FERN ST.

HIZON ST.

KAMUNING POLICE STATION

MADLYN KANE LEE

MARIA JOSIE

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with