^

Police Metro

Aksidente panglima sa ikinamamatay ng mga Pinoy

Malou Escudero - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Mas naunahan pa ng ‘aksidente’ bilang leading killer sa Pilipinas ang sakit na diabetes at TB dahil sa ito ay panglima na sa “leading killer kung saan kabilang ang  mga aksidenteng kinakasangkutan ng mga sasakyan.

Ayon kay Senator Ralph Recto na dapat gawing ligtas ang “tuwid na daan” na ikinakam­panya ng administrasyon dahil sa Metro Manila pa lamang ay nakakapagtala ng isang vehicular accident sa bawat pitong minuto base sa naitalang 77,110 insidente ng Metro Manila Development Authority (MMDA) noong 2011.

Lumabas din sa taong 2011, na 396 ang namatay dahil sa traffic accidents sa National Capital Region na maihahalintulad sa dalawang Airbuses na puno ng pasahero.

Halos kalahati ng namatay o 181 ay mga pedestrians katulad ng mga naghihintay laman sa isang waiting shed malapit sa Dasmariñas Village pero inararo ng isang bus.

Dahil sa nagaganap na aksidente, nagbuo ang gobyerno ng isang Philippine Road Safety Action Plan para sa  2011-2020 na nanatiling plano.

Naniniwala si Recto na dapat ng gamitin ang bahagi ng P12 bilyong annual collection mula sa Road Users Tax para sa road safety at mas marami pang dapat gawin ang gobyerno para masolusyunan ang “national epidemic”  na aksidente sa mga lansangan.

AYON

DAHIL

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NATIONAL CAPITAL REGION

PHILIPPINE ROAD SAFETY ACTION PLAN

ROAD USERS TAX

SENATOR RALPH RECTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with