MANILA, Philippines - Isang agarang inspeksyon sa lahat ng mga kumpanyang pampublikong sasakyan na panglupa sa buong bansa ang pinanukala para maiwasan na ang madugong aksidente na tulad ng pagkahulog sa baÂngin ng isang Florida bus sa Bontoc, Mt.Province ang isinusulong na panukala ni ABAKADA Partylist Rep. Jonathan dela Cruz.
Bukod dito ay inihayag din ni Dela Cruz na isusulong niya ang isang imbestigasyon ng Kongreso sa kalagayan at mga sistema ng industriya ng transportasyon.â€Hindi lang ng panglupang transportasyon kundi pati na pang-dagat at panghimpapawid.
Hihingan din ng paliwanag ni Dela Cruz ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at iba pang ahensiya ng gobyerno na may responsibilidad sa industriya ng transportasyon kung ano na ang nagawa nila, at ginagawa nila, upang lalong mapangalagaan ang kaligtasan ng mga pasahero.
Anya, kailangang maglabas ng listahan ang LTFRB ng mga kunmpanyang binigyan nito ng prangkisa ng naaayon lamang sa per route, per area basis at kailangang ipahayag sa publiko kung anu-anong mga kumpanya ng transportasyon ang napatunayan na nilang hindi ligtas bumiyahe o kaya ay may kritikal na kakulangan sa mga gamit o pasilidad para sa kaligtasan ng mga pasahero.