^

Police Metro

Transportation firms agad inspeksyunin - Solon

Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang agarang inspeksyon sa lahat ng mga kumpanyang pampublikong sasakyan na panglupa sa buong bansa ang pinanukala para maiwasan na ang madugong aksidente na tulad ng pagkahulog sa ba­ngin ng isang Florida bus sa  Bontoc, Mt.Province ang isinusulong na panukala ni ABAKADA Partylist Rep. Jonathan dela Cruz.

Bukod dito ay inihayag din ni Dela Cruz na isusulong niya ang isang imbestigasyon ng Kongreso sa kalagayan at mga sistema ng industriya ng transportasyon.”Hindi lang ng panglupang transportasyon kundi pati na pang-dagat at panghimpapawid.

Hihingan din ng paliwanag ni Dela Cruz ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at iba pang ahensiya ng gobyerno na may responsibilidad sa industriya ng transportasyon kung ano na ang nagawa nila, at ginagawa nila, upang lalong mapangalagaan ang kaligtasan ng mga pasahero.

Anya, kailangang maglabas ng listahan ang LTFRB ng mga kunmpanyang binigyan nito ng prangkisa ng naaayon lamang sa per route, per area basis at kailangang ipahayag sa publiko kung anu-anong mga kumpanya ng transportasyon ang napatunayan na nilang hindi ligtas bumiyahe o kaya ay may kritikal na kakulangan sa mga gamit o pasilidad para sa kaligtasan ng mga pasahero.

ANYA

BONTOC

BUKOD

CRUZ

DELA CRUZ

HIHINGAN

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

PARTYLIST REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with