^

Police Metro

Retiradong guro ginilitan, patay

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang isang 68-taong gulang na retiradong guro habang sugatan ang pamangkin nito makaraang laslasin ang leeg at pagsasaksakin ng hindi pa nakilalang suspek na nanloob sa kanilang tahanan sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Virginia Francisco, ng Rincon St., Francisco Compound,  Barangay Malinta sa lungsod habang ginamot naman sa Valenzuela Ge­neral Hospital sanhi ng mga sugat  sa braso at dibdib ang pamangkin nito na si Virgilio Francisco.

Nagsasagawa pa ng follow-up ang pulisya hinggil sa insidente at inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng supek. 

Sa ulat ng Valenzuela City Police,  alas-9:30 ng umaga nang makita ni Virgilio na bukas ang gate ng kanyang tiyahin.

Bukas din ang pinto ng bahay ng biktima at nang pasukin ng pamangkin at umakyat sa ikalawang palapag ay nakita ang tiyahin na duguan nakahandusay sa sahig.

Bubuhatin sana ni Virgilio ang kanyang tiyahin para dalhin sa hospital nang biglang sumulpot ang suspek na noon ay nagtatago at siya man ay pinagsasaksak.

Nanlaban si Virgilio at nakadampot ng pamalo kaya mabilis na tumakbo at tumakas ang hindi pa nakikilalang suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon na pulisya ay posible umanong pagnanakaw ang motibo ng krimen pero nanlaban ang biktima kaya ito pinagsasaksak.

 

vuukle comment

BARANGAY MALINTA

FRANCISCO COMPOUND

RINCON ST.

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY POLICE

VALENZUELA GE

VIRGILIO

VIRGILIO FRANCISCO

VIRGINIA FRANCISCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with