Tatlong lalaki sinalvage sa Muntilupa
MANILA, Philippines - Natagpuan kahapon ng umaga ang bangkay ng tatlong lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvage sa Muntinlupa City.
Walang nakuha na anumang pagkakakilanlan ang pulisya sa tatlong bangkay na kanilang inilarawan na nasa pagitan ng 18-25-anyos, pawang may mga tattoo, naka t-shirt ng kulay asul at pulang short, kapwa nakatali ang mga kamay at paa ng ng metal wire at may mga tama ng bala sa ulo.
Ang bangkay ng tatlong lalaki ay natagpuan ng mga residente sa Biazon Road, NHA, Barangay Poblacion na agad itinawag sa pulisya.
- Latest