Shootout: 3 drug pusher todas
MANILA, Philippines - Tatlong pinaghihinalaang drug pushers ang nasawi habang tatlong pulis ang nasugatan matapos maganap ang shootout nang pumalag ang mga una sa isisilbing search warrant kamakaÂlawa ng gabi sa Bernadette Village, Barangay Luna, Surigao City.
Ang tatlong suspek na napatay ay kinilaÂlang sina Jameel Mamao, isang alyas Mael at isang alyas Bogs.
Isinugod sa ospital ang tatlong nasugatan pulis na sina SPO1 Ricky Caneda, na nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang binti; P/Insp. Alvin Caballes na may tama sa kanang hita at P/Insp. Paul Michael G. Neffe.
Batay sa ulat, isisilbi ng mga elemento ng PhiÂlippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 13, Surigao City Police Station, Surigao Norte Provincial Police Office, Surigao Norte PPSC ang search warrant sa bahay ni Mamao nang bigla na lamang silang pinaputukan ng mga suspek.
Kaya naman gumanti ng putok ang mga otoridad na nauwi sa shootout at dito ay napatay ang mga suspek habang nasugatan ang tatlong pulis.
Narekober sa crime scene ang dalawang pakete ng ice wrapper celloÂphane na may shabu; 14 piraso ng transparent plastic sachets na may lamang shabu, P124,000.00 cash, isang notebook, dalawang aluminium foil strips, isang roll ng aluminium foil; isang maliit na timbangan, isang blue metal box na naglalaman ng mga plastic ng cellophane; isang kulay asul na malaking timbangan, isang electronic sealer; isang plastic scoop, isang caliber 9mm KG9 na may silencer; isang caliber .45 pistol; dalawang magazine ng KG9, isang maÂgazine para sa caliber .45 at mga empty cartridges.
- Latest