‘Rice King’ kinasuhan ng perjury
MANILA, Philippines - Kasong perjury ang isinampa ng Senate Committee on Agriculture and Food sa Department of Justice (DoJ) kay Davidson Bangayan o David Tan na kilalang rice smuggling.
Tinanggap ni Prosecutor Cesar Angelo Chavez ang 11 pahina na inihain ni Atty. Maria Valentina Cruz, bilang abogado ng Senado.
Ang kaso ay nag-ugat matapos humarap sa SeÂnate hearing noong nakaraang linggo si Bangayan at pinanindigang hindi siya si David Tan.
Subalit, kumbinsido ang komite ng Senado na malinaw umanong nagsisinungaling si BaÂngayan alyas David Tan na una nang natukoy ng National Bureau of Investigation at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Dahil sa “under oath†ang pahayag ni Bangayan sa Senado kaya nagdesisÂyon ang komite na sampahan ito ng kaso
- Latest