^

Police Metro

May bagong itutumba... Hired killer utas sa barilan

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nahadlangan ng mga otoridad ang planong pagpatay ng isang notorious hired killer ng drug syndicate  sa bago nitong target matapos itong mapatay nang makipagbarilan sa mga pulis kahapon ng madaling-araw sa Brgy. San Jose. Navotas City.

Ang suspek na nasawi ay kinilalang si Russel Datuon, 28, ng Bagong Silang, nasabing barangay sanhi ng mga tama ng bala ng 9mm pistol sa katawan.

Sa imbestigasyon, alas-3:30 kahapon ng madaling-araw nang maganap ang barilan sa kahabaan ng Governor Pascual St.

Nabatid na si Datuon ay isa umanong noto­rious hired killer na kasapi ng Lando Group Drug Syndicate (LGDS)  na  responsable sa pamamaril at  paglikida sa ilang barangay tanod at negosyante.

Nang makakalap ng ulat ang mga otoridad na muling may ipapalikida ang Lando group sa suspek ay agad silang bumuo ng joint  team  operation laban dito.

Naispatan ang suspek na sakay ng SYM  na motorsiklo na walang plaka kaya’t pinahinto ito, su­balit sa halip na tumigil ay pinagbabaril nito ang mga pulis.

Gumanti ng putok ang mga pulis na agad  nasapol ng bala ang suspek na agaran nitong ikinasawi.

Nakuha sa suspek ang isang kalibre .45 baril at mga bala at lumalabas sa record ng pulisya  na sangkot sa serye ng mga patayan sa nasabing lugar ang suspek.

BAGONG SILANG

BRGY

DRUG SYNDICATE

GOVERNOR PASCUAL ST.

NAVOTAS CITY

RUSSEL DATUON

SAN JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with