^

Police Metro

Mahigpit na Toda opisyal pinaslang

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng isang lalaki na angkas sa motorsiklo ang isang opisyales ng samahan ng mga tricycle sa kanilang terminal kamaka­lawa ng gabi sa Quezon City.

Ang biktima na nasawi noon din ay kinilalang si Jimmy Bucanes, alyas Cob­ra,  47, may-asawa, ng Lot 1, Block 2, MCP Home ow­ners Association, Pingkian 1, Central, Pasong Tamo sa lungsod at auditor ng Luzon Tricycle Operators Drivers Association-QC chapter.

Isa sa dalawang suspek na natukoy ay kinilalang si alyas “Samsudin”.

Batay sa ulat, dakong alas-8:45 ng gabi ay nasa terminal ang biktima na matatagpuan sa Luzon Ave­nue, Brgy. Old Balara nang ito ay lapitan at pagbabarilin ng mga suspek.

Sa salaysay ni Nelson Billones, isa rin sa opis­yales ng TODA nang makarinig siya ng mga putok sa terminal ay agad niya itong pinuntahan at nakita ang suspek na si Samsudin na binabaril ang biktima at pagkatapos ay binaril din siya nito, subalit hindi tinamaan.

Sinabi pa ni Billones na matagal na silang nakakatanggap ng death threat simula ng manalo sila bilang opisyales ng asosasyon at mahigpit na nagpapatupad ang biktima tulad ng bawal ang bumiyahe ng walang lisensiya.

vuukle comment

BATAY

DRIVERS ASSOCIATION

JIMMY BUCANES

LUZON AVE

NELSON BILLONES

OLD BALARA

PASONG TAMO

QUEZON CITY

SAMSUDIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with