^

Police Metro

Simula sa Lunes... truck ban sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos na pumasa sa konseho at pirmahan kahapon ni  Manila Mayor Joseph Estrada ay pasisimulan na sa Lunes ang pagpapatupad ng truck ban sa lungsod.

Ayon kay Estrada na magsisimula ang truck ban mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi, mula Lunes hanggang Biyernes, maliban na lamang kung Sabado at Linggo at mga holiday.

 Sa pinirmahang ba­gong batas na Ordinance 7570 (nag-aamyenda sa Traffic Management Code ng Lungsod) na matiyak ang  kaligtasan ng  publiko partikular na ang mga estudyante at mga  nag-oopisina  sa  lungsod.

Nakikipagsabayan anya ang mga truck sa  mga pampublikong sasakyan  sa kalsada kaya’t nahuhuli sa pagpasok ang mga estudyante at mga empleyado bukod pa sa aksidenteng posibleng mangyari at ang mga malalaking truck ay nagpapasikip din ng daloy ng mga sasakyan sa lansangan.

Nakasaad sa ordinansa, na  mahigpit na ipinagbabawal ang pagbiyahe ng cargo truck, gravel and sand truck, cement mixers at iba pang heavy cargo truck na may walong gulong na tumitimbang o gross weight na  4,500 kilograms, kasama rin ang mga tractor trailer o containerized haulers at ang lalabag sa ordinansa ay magmumulta ng P5,000.

Hindi naman kasama  rito ang mga truck ng mga perishable good at  truck ng  government pro­ject.

Nagbabala si Estrada na sakaling magsagawa ng strike o bumalagbag sa mga lansangan ng Maynila ang mga trucks ay hindi siya mag-aatubiling mang­huli.

Itinuturing ng mga truck owner at operator na political suicide kung tuluyang ipatutupad.

Ayon kay Ms. Mary Zapata, pangulo ng Aduana­ Business Club, mala­king kahihiyan sa international shipping industry ang pinalawig na truck ban dahil  lalo lamang babagal ang panahon ng pagbibiyahe ng mga mahahalagang kargamento na kaila­ngan ng iba’t ibang industriya.

Kaya’t nanawagan ito sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng DTI, at DOTC na kumilos laban sa truck ban dahil tiyak na malaking pagka­bawas sa ekonomiya ng bansa ang idudulot ng nasabing ordinansa.

AYON

BUSINESS CLUB

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MS. MARY ZAPATA

SHY

TRAFFIC MANAGEMENT CODE

TRUCK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with