^

Police Metro

Nanay kararating lang mula USA... mag-ama pinatay ng akyat-bahay

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang mag-ama na kapwa nakagapos ang natagpuang patay sa loob ng kanilang kuwarto matapos gilitan ng leeg ng mga hindi pa kilalang magnanakaw na pumasok sa kanilang bahay kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Ang mag-amang nasawi ay kinilalang sina Felizardo Coralde Jr., 47, Record Officer ng Malabon City Hall at anak na si Albert Coralde, 19-anyos, kapwa  residnete ng #34 N. Vidal St., Barangay  Ibaba, ng nasabing lungsod.

Sa salaysay ni Cathy Coralde, anak ni Feli­zardo na siya ay naalimpungatan dakong alas-2:30 ng madaling-araw sa ingay ga­ling sa kuwarto, subalit binaliwala niya ito sa pag-aakalang nagtatalo lang ang ama at kapatid.

Nadiskubre lang niya na patay dakong alas-5:00 ng umaga ang kanyang ama at kapatid na kapwa laslas ang  leeg nang buksan niya ang kuwarto na nasa ikalawang palapag ng  kanilang bahay.

Sa imbestigasyon ng pulisya na magulo ang kuwarto nang pasukin ng hindi pa mabilang na magnanakaw na pumasok na kung saan ay tinangay ang cellphone, laptop at ilang piraso ng alahas ng mga biktima.

Hinala ng pulisya na nagising ang mag-ama sa ingay na nilikha at nang makita nila ang mga magnanakaw ay ginapos sila bago pinatay.

Sinabi pa ng pulisya na posibleng naging target na pagnakawan ang bahay ng mga biktima dahil sa kararating lang mula sa Estados Unidos ang ina ni Felizardo na si Socorro Coralde, 83.

vuukle comment

ALBERT CORALDE

CATHY CORALDE

ESTADOS UNIDOS

FELIZARDO CORALDE JR.

MALABON CITY

MALABON CITY HALL

RECORD OFFICER

SOCORRO CORALDE

VIDAL ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with