^

Police Metro

1 dedo, 4 sugatan sa pinaglaruang granada

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa sobrang kalasi­ngan ng mga kalalakihang nag-iinuman ay nagawa nilang paglaruan ang isang granada na naging dahilan para ito ay sumabog na ikinasawi ng 1 at pagkasugat ng 4 iba pa kahapon ng madaling-araw sa Bato, Camarines Sur.

Nasawi noon din matapos mapuruhan ng pagsabog ang biktimang si Efren Bagasala, binata, nasa hustong gulang.

Ang tatlo sa apat na nasugatan na dinala sa Ronconada Medical Center upang malapatan ng lunas ay kinilalang sina John Paul Paran, Rommel Rumaraog at Elissa Joyce Sabirola.

Batay sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 5, bago nangyari ang pagsabog dakong alas-12:15 ng madaling araw sa harap ng bahay ng isang Eddie Pili ay kapwa lasing na ang mga biktima sa magdamag nilang pag-iinuman.

Hanggang sa maisipan na ilabas ni Bagasala ang kaniyang nakatagong M203 grenade na kung saan ay pinagyayabang niya umano ito at pinag­laruan hanggang sa sumabog.

vuukle comment

BAGASALA

CAMARINES SUR

EDDIE PILI

EFREN BAGASALA

ELISSA JOYCE SABIROLA

JOHN PAUL PARAN

POLICE REGIONAL OFFICE

ROMMEL RUMARAOG

RONCONADA MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with