^

Police Metro

Riding in trio tepok sa trak

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang tatlong lalaki na magkakaangkas sa motorsiklo nang masalpok sila ng kasalubong na trak matapos na mag-overtake naganap kamakalawa sa Tanay, Rizal.

Wala pang nakuha na pagkakakilanlan sa mga biktima na lulan ng motorsiklong Honda na may
plakang 3817 PS.

Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon ay binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng Sampaloc Road, Brgy, Plaza Aldea, Tanay nang i-overtake ng driver ang isang sasakyan na nasa kanilang unahan.

Nagkataon naman na paparating ang Fuso Fighter (RLG-510) na minamaneho ni Abner Motivo, 35, ng Sitio Sambal, Sampaloc, Tanay at hindi na umano naiwasan kaya’t nasalpok ang motorsiklo.

Tumilapon ang mga biktima at una ang mga ulo na humampas sa kalsada sa pagbagsak.

Isinugod ang mga biktima sa Tanay General Hospital, subalit idineklarang dead on arrival habang ang driver ng trak na si Motivo ay kinasuhan ng pulisya.

vuukle comment

ABNER MOTIVO

BATAY

BRGY

FUSO FIGHTER

ISINUGOD

PLAZA ALDEA

SAMPALOC ROAD

SITIO SAMBAL

TANAY

TANAY GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with