^

Police Metro

5 pulis-SPD sa kaso ni Vhong, sinibak

Lordeth Bonilla, Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinanggal kahapon sa kanilang puwesto ang limang pulis ng Sou­thern Police District Office (SPDO) na nagproseso sa pagpapa-blotter ng grupo ni Cedric Lee  at Deniece Cornejo laban kay Vhong Navarro noong Enero 22 ng taong kasalukuyan sa Taguig City.

Ayon kay SPDO director, Chief Supt. Jose Erwin Villacorte  pansamantalang tinanggal sa puwesto ang hepe ng District Investigation and Detective Management (DIDM) na si Supt.Nelson Bautista; ang nagsulat ng blotter na si PO3 Dalmacio Lumiwan; Sr. Insp. Eduardo Alcantara; PO3s Lory Laureto at Eugene Pugal.

Inilagay  ang limang pulis  sa District Personnel Holding Unit ng SPDO habang  iniim­bestigahan ang mga ito ng District Internal Affairs Service na posibleng maharap sa kasong administratibo matapos na  hindi nila  pina-medical exam si Navarro kahit nakita na nilang bugbog sarado ito.
Kapag mapatutu­nayan ani­yang  nagkulang ang mga
pu­lis ay mahaharap sila sa parusa, subalit  kung mapatutunayang ginawa nila ang lahat at walang naging pagkukulang ay ibabalik din  sila sa
kani-kanilang puwesto.

Una nang sinabi ng  abogado ni Navarro ang kakulangan at kapaba­yaan  sa proseso ng pagba-blotter sa kanyang kli­yente.

vuukle comment

CEDRIC LEE

CHIEF SUPT

DALMACIO LUMIWAN

DENIECE CORNEJO

DISTRICT INTERNAL AFFAIRS SERVICE

DISTRICT INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT

DISTRICT PERSONNEL HOLDING UNIT

EDUARDO ALCANTARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with