^

Police Metro

Holdaper ng bus, bulagta sa pulis

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bumulagta ang isa sa dalawang holdaper, makaraang mabaril ng  isang bagitong pulis na sumaklolo sa isang pasahero na tangkang saksakin ng holdaper ng  tumangging ibigay ang kanyang gamit sa loob ng isang pampasaherong bus sa Edsa, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, nakilala ang nasawing suspek na si Liberato Magno, 21, binata ng San Roque 2, Brgy. Pagasa sa lungsod.

Ayon kay Police Officer 2 Louie Serbito, may-hawak ng  kaso, si Magno ay kasama ng isa pang holdaper na nangholdap sa pampasaherong bus na Baclaran Metrolink (UYD-772) at biyaheng UE Letre-Baclaran.

Nabaril si Magno ng pulis na si PO1 Christian Santos, nakatalaga sa Northern Police District-Malabon City Police station 5 at kabilang sa mga pasahero ng bus.

Nangyari ang insidente sa loob ng bus sa kahabaan ng Edsa, Kilyawan sa harap ng Phil-Am Homes, Barangay Pag-asa, ganap na alas 2:20 ng madaling araw.

Si PO1 Santos kasama ang ilang kaanak ay sumakay sa naturang bus sa Edsa-Cubao nang sumakay din ang mga suspek sa may loading area ng Edsa, Cubao at Aurora Blvd.

 Habang binabagtas ng bus na minamaneho ni Ronnie Corido ang Edsa-northbound lane, at pagsapit sa Edsa Kilyawan sa nasabing lugar ay biglang  tumayo ang isa sa mga suspek at nagdeklara ng holdap, gamit ang patalim.

Pinahinto ng mga suspek ang driver at sinimulan ng dalawa na limasin ang mga gamit ng mga pasahero. Pero ang pasaherong si Jemalyn Bercasio ay pumalag at hindi ibinigay ang kanyang bag at akma sanang sasaksakin nang bunutin ng pulis ang kanyang baril saka paputukan ang holdaper habang mabilis na tumakas ang isa pa.

 

AURORA BLVD

BACLARAN METROLINK

BARANGAY PAG

CHRISTIAN SANTOS

EDSA

EDSA KILYAWAN

JEMALYN BERCASIO

LIBERATO MAGNO

LOUIE SERBITO

MAGNO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with