^

Police Metro

Mag-ina pinatay ng ama

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang ama ng tahanan ay siyang dapat nagbibigay ng proteksiyon sa kanyang pamilya pero taliwas ang nangyari sa Parañaque City, kahapon ng madaling araw, dahil ang mismong mister ang siyang pumatay sa kanyang misis at anak.

 Pinagpapalo ng matigas na bagay hanggang sa masawi ang mag-inang biktima na sina Fe Rafael, 54 at Danilo Rafael Jr., 18 na kapwa residente ng Multinational Village, Barangay Moonwalk, Parañaque City.

 Ang padre-de-pa­milya ang suspek na ngayon ay tinutugis na ng mga tauhan ng Parañaque City police ay kinilalang si Danilo Rafael Sr., na mabilis na tumakas matapos ang ginawa niyang pagpatay sa kanyang mag-ina.

 Sa ulat na natanggap ni P/ Sr. Supt. Ariel Andrade, hepe ng Parañaque City Police, nabatid na dakong  alas-12:00 ng madaling araw nang matagpuan ang bangkay ng mag-ina  na nakasilid sa loob ng compartment ng kanilang kotse na may plakang TQN-896.

 Ayon sa report, iniwang nakaparada  ang kotse sa harapan ng bahay ng mga magulang ni Fe sa Timothy St., Barangay Moonwalk, Multinational Village, sa lungsod.

 Nagtataka ang mga kaanak ni Fe kung bakit nakaparada sa kanilang harapan ang kotse, kaya siniyasat  nila ito at tumambad sa kanila ang bangkay ng mag-ina na duguan at nagtamo ng mga sugat at pasa sa iba’t-ibang bahagi ng katawan mula sa hindi pa batid na matigas na bagay na ipinalo sa kanila ng suspek.

Bago maganap ang krimen ay narinig umano ng ilang kapitbahay na nag-aaway ang mag-asawa dahil sa kakaselos ng suspek.

Matapos ang ilang minutong sigawan ay namayani ang katahimikan hanggang sa makitang nagmamadaling pinaandar ng suspek ang kanilang kotse at umalis saka ipinarada sa harap ng bahay ng kanyang biyenan.

Nagsasagawa pa ng malaliman imbestigasyon ang pulisya upang mabatid ang tunay na motibo ng krimen at madakip ang tumakas na mister.

 

vuukle comment

ARIEL ANDRADE

BARANGAY MOONWALK

CITY POLICE

DANILO RAFAEL JR.

DANILO RAFAEL SR.

FE RAFAEL

MULTINATIONAL VILLAGE

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with