^

Police Metro

Taxi driver utas sa tandem

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Utas ang isang taxi driver makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek na rinding-in-tandem sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot sa kanyang pinapasadang taxi ang biktimang si Bartolome Valmonte, residente ng Saint Andrews hills, ng nasabing lugar.

Mabilis na tumakas ang dalawang suspek na sakay ng kanilang  motorisiklo matapos nilang mapatay ang biktima.

Nabatid na, ang insidente ay naganap sa Republic Avenue, Barangay Holy Spirit, ganap na alas-10:45 ng gabi.

Ipaparada sana ng biktima ang kanyang Batusay taxi na may plakang TWZ-816 nang lapitan siya ng dalawang suspek at walang sabi-sabing pagbabarilin.

Sinasabing may dalawa pang kasama ang mga suspek na nagsilbing look out habang isinasagawa ang krimen.

Narekober ng mga tauhan ng barangay na unang nagresponde sa crime scene ang walong slug ng kalibre 45, at 9mm na baril na ginamit ng mga salarin sa pamamaslang sa biktima.

Ipinagtataka ng mga mamamahayag kung bakit wala sa blotter ng QCPD at maging sa Police Station 6 na nakakasakop sa lugar ang naganap na insidente.

Una ng nabatikos ang pambansang pulisya dahil sa sunod-sunod na krimen na nagaganap sa bansa na kinasasangkutan ng rinding-in-tandem.

 

vuukle comment

BARANGAY HOLY SPIRIT

BARTOLOME VALMONTE

BATUSAY

IPAPARADA

IPINAGTATAKA

MABILIS

POLICE STATION

QUEZON CITY

REPUBLIC AVENUE

SAINT ANDREWS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with