Binatilyo pinagalitan ng kuya nagbaril sa ulo
MANILA, Philippines - Napahiya marahil ang isang 15-anyos na binatilyo sa kanyang mga kabarkada nang pagalitan ng kuya niya sa pakikipag-inuman sa kanilang bahay sa Pasig City kahapon ng madaling-araw.
Ang biktima na nasa kritikal na kondisyon sa ospital ay kinilalang si Joseph Sumilang, 2nd year high school student at residente ng Valderama St., Bambang, Pasig City.
Sa ulat bago nadiskubre ang biktima na duguang nakahandusay sa loob ng kanilang bahay dakong alas-4:15 ng madaling-araw ng hipag na si Virginia Sumilang ay pinagalitan ng kuya niya na si Daniel dahil sa pakikipag-inuman sa mga kaibigan sa loob ng kanilang bahay.
Narekober sa crime scene ang isang caliber super 38 pistol na naglalaman ng anim na bala.
- Latest