CP ni Vhong hawak ng NBI
MANILA, Philippines - Makakatulong sa imbestigasyon at pagpapalabas ng katotohanan ang cell phone ni Vhong Navarro na ginamit sa pakikipagpalitan ng text messages kay Deniece Cornejo bago naganap ang pambubugbog ng grupo ni Cedric Lee sa unit nito sa Forbeswoods Heights condominium noong Enero 22.
Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) -National Capital Region (NCR) Assistant Director Vicente de Guzman, ngayong hawak na nila ang cell pone ni Vhong ay kanila nang malalaman ang mga laman nito kahit pa na nabura na ng aktor.
Batay sa pahayag ng aktor noong Enero 17 kung saan nangyari ang oral sex ay nagkaroon ng palitan ng mensahe ang dalawa na mistulang naghamunan hanggang sa nagkataon na nangyari muli ang pagtatagpo.
Batay na rin sa naÂging affidavit ng aktor, matapos ang “oral sex†nag-text sa kaniya si Cornejo na “BAD KA TALAGA†na agad namang ni-replayan ng aktor na nagsasabing “SORRY1 BABAWI AKO NEXTIMEâ€.
- Latest