^

Police Metro

Piniling magbigti kaysa magpakasal

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mas pinili umano ng isang 26-anyos na lalaki na magpakamatay kaysa paka-salan ang babae na hindi naman niya tunay na mahal kaya’t nagbigti ito sa puno na kakawate kahapon sa bayan ng Maragondon, Cavite.

Ang biktima na patay na nang madiskubreng nakabigti sa puno ng kakawate malapit sa kanilang bahay ay kinilalang si Melvin Bilbao, driver ng Brgy. Pantihan 3, ng nasabing bayan.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:30 ng umaga ay papasok na trabaho ang isang Aldrin Glorioso nang matagpuan ang biktima na nakabigti sa nasabing puno.

Nabatid sa pamilya na katatapos lang nila na mamanhikan sa bahay ng isang 23-anyos na dalagang kapitbahay para pag-usapan ang kasal, subalit labag umano ito sa kalooban ng biktima na magpakasal.

Naniniwala ang pamilya na ito ang posibleng dahilan kaya’t nagbigti ang biktima.

Hindi na idinetalye ng pamilya ng biktima kung bakit ipapakasal nila ito sa dalagang kapitbahay.

Tumanggi rin ang pamilya na isailalim pa sa otopsya ang bangkay dahil wala naman umanong naganap na foul play.

 

vuukle comment

ALDRIN GLORIOSO

BIKTIMA

BRGY

CAVITE

MARAGONDON

MELVIN BILBAO

NABATID

NANINIWALA

PANTIHAN

TUMANGGI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with