Comelec employees gumagamit ng shabu?
MANILA, Philippines - Ikinanta ng isa sa 20 naarestong suspek sa isinagawang drug raid kahapon ng madaling-araw sa Intramuros, Maynila na may ilang kawani ng Commission on Elections (Comelec) ang umano’y gumagamit ng shabu.
Nagsagawa ng drug operation ang mga eleÂmento ng Manila Police District Station 5 at 20 suspek sa Barangay 654, Zone 29, Legaspi St., Intramuros ang nadakip.
Nakumpiska sa mga suspek ang mga sachet ng shabu, drug paraphernalias, cell phones, gambling machines at pera.
Isang naaresto na kinilalang si Butch Navarro, ang nagsabi na may mga buyers sila mula sa mga kawani ng Comelec, TESDA at mga government offices na nasa Intramuros.
Ayon naman kay Barangay Chairman Juvy Fuentes na ang mga naarestong suspek ay hindi residente ng barangay at walang anumang illegal na aktibidades.
Sinabi naman ni Supt. Alex Yanquiling, MPD Station 5 commander, na karamihan sa mga suspek ay mula sa iba’t ibang barangay na nagsusuplay ng droga sa Barangay 654.
- Latest