^

Police Metro

Umiwas sa bugbog, tumalon sa ilog nalunod

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Halos naaagnas na nang matagpuan ang isang 31-anyos na truck driver sa Manila Bay kahapon ng umaga matapos na ito ay tumalon upang matakasan ang mga gustong gumulpi sa kanya.

Ang biktima na hinihinalang apat na araw ng patay ay kinilalang si Arnel Callada, ng MB Freight Trucking at residente ng 1320 C.P. Garcia St., Tondo.

Sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga nang madiskubreng patay ang biktima sa seawall ng Manila International Container Terminal (MICT) sa Del Pan St., Parola, Tondo.

Sa salaysay ng live-in partner ng biktima na si Jenalyn Sotero, 21, huli niyang nalamang buhay ang mister noong Enero 18 sa pamamagitan ng pagtawag nito sa cell phone at ipinaalam na nasiraan ang minamaneho niyang truck kaya’t kinakailangan niyang bumalik sa MICT at pagkatapos noon ay wala na siyang balita.

Kaya nagtungo si Jenalyn at biyenan nito sa Bgy. 201 Zone 2 at sa tulong ni Bgy. Tanod Isidro Olaguer ay nalaman nila na may isang lalaking natagpuang nakalutang sa seawall ng MICT hanggang sa nakumiprma nilang ang asawa nito ang natagpuang patay.

Nabatid sa imbestigasyon na hinahabol ng mga kalalakihan ang biktima at upang makaiwas sa posibleng pagbugbog ay tumalon na lamang ito sa ilog kahit na hindi umano marunong lumangoy na posibleng dahilan kaya ito ay nalunod.

ARNEL CALLADA

BGY

DEL PAN ST.

ENERO

FREIGHT TRUCKING

GARCIA ST.

JENALYN SOTERO

MANILA BAY

MANILA INTERNATIONAL CONTAINER TERMINAL

TANOD ISIDRO OLAGUER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with