Road rage: Lady colonel binaril sa SLEX

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kalagayan ang biktimang si Supt.Vilma Sarte, nakatalaga sa Finance Department ng NCRPO sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City matapos barilin ng hindi pa kilalang suspek na umano ay nakagitgitan nito sa intersection ng Brgy. Canlubang bago dumating ng Silangan exit ng South Luzon Expressway sa  Calamba City kahapon ng alas-8:20 ng umaga.

Ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa leeg, ilong na naglagos sa  teynga ay mabilis na isinugod sa  Calamba Doctors Hospital dakong alas-11:00 ng umaga ni Chief Inspector Jericho Cordero ng Crime Laboratory na nagkataong napadaan rin sa lugar.

Posibleng nag-ugat umano ang pamamaril ng hindi pa nakilalang gunman kay Sarte sa gitgitan sa trapiko.

Nabatid na bumaba si Sarte sa kaniyang Toyota Altis  (XGM 149 )  bunga ng insidente at nakatayo sa kalsada  may 15 metro ang layo sa kaniyang sasakyan  nang pagbabarilin ng gunman.

Sa paglalarawan ng mga testigo na kulay abo ang sasakyan ng suspek na posibleng Adventure o Toyota na walang plaka at may MPD plate sa unahan.

Narekober naman ng mga nagrespondeng otoridad ang dalawang basyo ng bala ng cal. 45 pistol sa crime scene.

Show comments