^

Police Metro

Lalaking siga itinumba

Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nagwakas na ang paghahari ng takot sa mga residente sa isang lugar sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City matapos na itumba ang isang lalaki na burdado ng tattoo sa buong katawan at siga sa kanilang lugar kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Efren Escarcha, nasa pagitan ng edad na 30-35, nakasuot ng pulang t-shirt,brown na short pants at pulang bull cap na may mga tattoo sa katawan na Joel, Tutanes, Jessica Arce, Joseph, Black Sheep,  Ali at Mhelai.

Nabatid na dakong alas-11:45 ng gabi nang barilin ang biktima sa may bakanteng lote ng San Roque compound, Pingkian 1, Brgy. Pasong Tamo.

Ayon sa pamunuan ng barangay na ang biktima ay lagi na lamang pinagmumulan ng gulo sa kanilang lugar at nanakot ng mga residente.

Narekober sa lugar ang isang replica ng kalibre 45 baril na nakasukbit pa sa bewang ng biktima, at isang basyo ng bala ng 12 gauge shotgun na ginamit sa pagpatay sa kanya.

vuukle comment

ALI

AYON

BLACK SHEEP

BRGY

EFREN ESCARCHA

JESSICA ARCE

KINILALA

PASONG TAMO

QUEZON CITY

SAN ROQUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with