^

Police Metro

Helper tinodas ng kumpare sa binyagan

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagsasaksak ang 21-anyos na helper ng kaniyang kumpare habang nag-iinuman sa isang binyagan sa Tondo, Maynila kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa  Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ay kinilalang si Dominic Eguie, binata, residente  ng no. 65 JV Paz Compound, Rawis St., Tondo.

Tumakas naman ang suspek na si Julito Gamana, kumpare ng biktima, at kapatid nitong si Ramon  Gamana, kapwa residente ng Clariben Compound, Tondo.

Sa ulat ng pulisya bago ang insidente ay kinuhang kumpare sa binyagan ang biktima at suspek para maging ninong ng 1-anyos na anak ng isang  Wilfredo Martinez.

Nagkaroon nang inuman hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng  biktima at magkapatid na suspek  dakong alas-5:45 ng hapon sa JV Paz Compound, Rawis St., Tondo.

Dito ay sinulsulan pa umano ni Ramon si Julito na saksakin ang biktima na narinig ng mga kainuman sa pagsasabing “Tirahin mo na Jul”.

Tumayo sa kinauupuan si Julito at niyakap ang biktima at inundayan ng mga saksak at pagkatapos ay mabilis na tumakas silang magkapatid.

 

vuukle comment

BIKTIMA

CLARIBEN COMPOUND

DOMINIC EGUIE

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

JULITO

JULITO GAMANA

PAZ COMPOUND

RAWIS ST.

WILFREDO MARTINEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with