^

Police Metro

Binata pinabulagta sa basketball court

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bulagta ang isang 20-anyos na binata makaraang barilin ng kuya ng kanyang nakalaban sa basketball sa Quiapo, Maynila, kahapon ng hapon.

Agad na nasawi ang biktimang si Don Johnson Alban, estudyante na nakatira sa #1128 Plaza Del Carmen, Quiapo.

Hindi pa tukoy ang pagkilanlan ng tumakas na gunman, na sinasabing Muslim at kapatid ng player na nakalaban sa basketball ng biktima.

Sa ulat ni SPO2 Ronald Gallo, ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-3:00 ng hapon  sa basketball court sa Carcer St., sa Quiapo.

Nagkainitan umano ang biktima at isa sa kalabang player hanggang sa inilabas ng game ang dalawa.

Umuwi ang nakaaway ng biktima na di pa batid na pangalan at diumano’y nagsumbong sa kapatid.

Maya-maya ay may lalaking bigla na lamang bumaril sa biktima na hinihinalang resbak sa kanya ng nakaaway.

 

vuukle comment

BIKTIMA

BULAGTA

CARCER ST.

DON JOHNSON ALBAN

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

NAGKAINITAN

PLAZA DEL CARMEN

RONALD GALLO

UMUWI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with