^

Police Metro

Magsasaka ‘niratrat’ ng NPA, patay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang isang magsasaka makaraang ‘ratratin’ ng apat na miyembro ng New People’s Army (NPA) hit squad matapos na mapagkamalan itong informer ng militar na naganap sa Isabela, Negros Occidental kamakalawa.

Kinilala ang nasawing biktima na si Rolan Dadlis, 28 anyos, residente ng Brgy. Riverside, Isabela.

Ang biktima ay natadtad ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan partikular na sa kanyang ulo na siyang agarang ikinamatay nito.

Sa ulat ng Negros Occidental Police, kasaluku­yang nasa kanilang bakuran ang biktima ng biglang sumulpot ang apat na armadong NPA saka niratrat ang biktima.

 â€œManiningil kami ng pautang, itong katapusan mo,” anang isa umano sa mga rebelde kung saan ay agad ng mga itong pinagbabaril ng malapitan ang biktima na duguang bumulagta sa lupa.

Habang papatakas sa lugar ay sumigaw pa umano ang apat na kalalakihan na “Mabuhay ang komunistang kilusan, mabuhay ang armadong pakikibaka’.

Narekober naman ng nagrespondeng awtoridad sa lugar ang mga basyo ng bala ng M16 rifle.

 

vuukle comment

BRGY

HABANG

ISABELA

KINILALA

MABUHAY

NEGROS OCCIDENTAL

NEGROS OCCIDENTAL POLICE

NEW PEOPLE

ROLAN DADLIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with