^

Police Metro

Pulis, 3 pa huli sa pot session

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Huli ang isang pulis at tatlo pa niyang kasama habang sumisinghot ng shabu sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Nakakulong na ngayon sa selda ang mga nadakip na sina PO1 Ollan De Guzman; Leonidez Mendoza, 36; Romma Villanueva, 22 at Bernie Ulit, 20.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Malabon police sa ginagawang pot session ng apat sa  P. Bautista St., Barangay  Niugan sa lungsod.

Agad na nagsagawa ng anti-drug operation ang mga kagawad ng Malabon Police dakong alas-12:45 ng madaling araw na nagresulta ng pagkakaaresto ng mga suspek.

Akto umanong ‘bumabatak’ ng shabu ang apat nang sila ay dakmain ng mga awtoridad.

Nabatid din na si PO1 De Guzman ay nakatalaga sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City at Absent Without Official Leave (AWOL) na sa serbisyo.

 

vuukle comment

ABSENT WITHOUT OFFICIAL LEAVE

BAUTISTA ST.

BERNIE ULIT

CAMP BAGONG DIWA

DE GUZMAN

LEONIDEZ MENDOZA

MALABON CITY

MALABON POLICE

NABATID

OLLAN DE GUZMAN

ROMMA VILLANUEVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with