^

Police Metro

Driver ng trader, gunman todas sa ambush

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng dalawang armadong kalalakihan ang sasakyan ng isang biyudang negosyante habang papasok sa subdivision na ikinasawi ng driver at isang gunman kamakalawa ng gabi sa Brgy. Kinasang-an, Cebu City.

Sa ulat ng Cebu City Police, dead-on-arrival sa pagamutan si Wolfrando Pagador, 47-anyos  driver ng negosyanteng si Amor Pelenia, 52 dahil sa apat na bala na tinamo.

Nasawi rin ang isang hindi pa nakikilalang gunman matapos na magawang mabaril ng bodyguard ni Pelenia na si Angelo Alega.

Sa imbestigasyon, dakong alas-11:30 ng gabi habang minamaneho ni Pagador ang Pajero na kinalululanan ng among si Pelenia kasama ang bodyguard na si Alega papasok sa Greyhound  Subdivision nang lapitan ng dalawang suspek at pagbabarilin na kung saan napuruhan si Pagador.

Nasugatan naman sina Pelenia at Alega na kapwa nakaupo sa hulihang bahagi ng sasakyan na kung saan ay nagawang bunutin ng huli ang kaniyang 9 MM pistol  at gumanti ng putok sa mga suspek na ikinasawi ng isa habang nakatakas ang isa pa.

Narekober sa crime scene ang 21  mga basyo ng cal. 45 pistol at cal 9 MM gayundin ang isang helmet na sinuot ng isa sa mga suspek.

 

vuukle comment

ALEGA

AMOR PELENIA

ANGELO ALEGA

BRGY

CEBU CITY

CEBU CITY POLICE

KINASANG

NAREKOBER

PELENIA

WOLFRANDO PAGADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with