^

Police Metro

Hindi na nanlaban, binaril pa rin... bisor dedo sa holdap

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Walang awang binaril ng isa sa tatlong holdaper na nakamotorsiklo ang isang supervisor matapos na makuha ang kailangan ng mga ito kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan dahil sa tama ng bala sa likod na tumagos sa sikmura ay kinilalang si Joman Porras, 30, supervisor ng Gerardo’s Bar and Restaurant.

Batay sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling-araw ay naglalakad si Porras kasama ang cashier na si Jean Mata sa kahabaan ng Panay Avenue, kanto ng  Sgt. Esguerra St., Brgy. South Triangle para umuwi sa kanilang bahay sa Antipolo City nang dumating ang dalawang motorsiklo ng mga suspek.

Huminto ang mga suspek at sa pagbaba ng  motorsiklo ay  tinutukan ng mga baril ang dalawang biktima at  nagdeklara ng holdap.

Walang nagawa si Mata nang kunin ng mga suspek ang kanyang bag na naglalaman ng P5,000 cash, isang unit ng Samsung galaxy mobile phone, at assorted na identification cards.

Matapos nito ay sinunod na kinorner ng mga suspek si Porras habang ang isa sa kanila ay nasa gilid ng biktima at may hawak ng baril.

Ilang sandali, walang sabi-sabing na binaril ng isa sa mga suspek si Porras, saka mabilis na sumakay ng kani-kanilang mga motorsiklo patungong Edsa.

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BAR AND RESTAURANT

ESGUERRA ST.

JEAN MATA

JOMAN PORRAS

PANAY AVENUE

PORRAS

QUEZON CITY

SOUTH TRIANGLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with