^

Police Metro

Mag-asawa hinoldap, anak kinidnap

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mistulang hindi nasiyahan ang mga holdaper sa P20,000 na kanilang nakuha sa bahay ng isang mag-asawa na kanilang nilooban nang tangayin pa sa pagtakas ang 5-anyos na anak na babae kamakalawa sa Payao, Zamboanga Sibugay.

Kinilala ni Police Regional Office (PRO) 9 Spokesman Chief Inspector Ariel Huesca, ang kinidnap na bata na si Alexa dela Cruz.

Sa ulat, dakong alas- 9:35 ng gabi nang pasukin ng mga armadong kalalakihan ang bahay ng mag-asawang Alejando at Minda dela Cruz na matatagpuan sa Brgy. Kima, Payao ng  lalawigan.

Nabatid na kasalukuyang nanonood ng tele­bisyon ang mag-asawa habang naglalaro naman ang anak nang pumasok ang mga suspek at magdeklara ng holdap.

Hindi na puma­lag ang mag-asawa kaya’t  agad ibinigay sa mga suspek ang P20,000­ cash na pera na kanilang itinatago.

Nang makuha ang pera ay sinunggaban ng mga suspek ang bata at tinangay sa kanilang pagtakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Isang manhunt ope­ration ang isinagawa ng mga otoridad para mabawi ang bata.

 

vuukle comment

ALEJANDO

ALEXA

BRGY

CRUZ

ISANG

PAYAO

POLICE REGIONAL OFFICE

SPOKESMAN CHIEF INSPECTOR ARIEL HUESCA

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with