^

Police Metro

Brownouts panakot lang ng Meralco

Malou Escudero, Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dedma ang mga senador sa banta ng Manila Electric Company (Meralco) na magkakaroon ng rotating brownouts lalo na sa dara­ting na summer kung hindi aalisin ng Supreme Court ang temporary restraining order (TRO) sa P4.15 per kilowatt hour increase na sinimulang ipatupad ng Meralco.

Naniniwala si Senator Vicente “Tito” Sotto III na isang uri ng pananakot ang banta ng Meralco kaya dapat lamang na ibalik na muli sa gobyerno ang kontrol sa power sector.

Ayon pa kay Sotto, kung magkakatotoo ang banta ng Meralco mas magkakaroon ng dahilan para ibasura na ang EPIRA law o ang Electric Power Industry Reform Act na ipinasa sa layuning mapababa ang presyo ng kuryente.

Naniniwala naman si Senator Sergio Osmeña III na layunin ng banta ng Meralco na i-pressure ang SC upang tanggalin na ang ipinatupad ng TRO.

Ipinahiwatig pa ni Osmeña na alam ng Meralco kung papaano lalaruin ang isyu upang maitaas ang singil ng kuryente.

Ayon naman kay  Senator Grace Poe na dapat ipagpatuloy ng Senado ang imbestigasyon tungkol sa sinasabing sabwatan ng mga power producers.

Siniguro naman ng Malacañang na poprotektahan ng gobyerno ang kapakanan ng mga electric consumers kahit nakabinbin pa ang usapin sa pagtataas ng presyo ng kuryente sa Korte Suprema.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin La­cierda, mismong si E­nergy Sec. Jericho Petilla ang nagpahayag na handa ang Department of Energy (DoE) na maki­pag-usap sa Meralco at iba pang power gene­rators upang makabuo ng solusyon na magi­ging kapaki-pakinabang sa mga consumers.

AYON

DEPARTMENT OF ENERGY

ELECTRIC POWER INDUSTRY REFORM ACT

JERICHO PETILLA

KORTE SUPREMA

MANILA ELECTRIC COMPANY

MERALCO

NANINIWALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with