^

Police Metro

Motor sinalpok ng bus: 3 todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang motorsiklo ang sinalpok ng isang pampasaherong bus na ikinasawi ng tatlong katao habang pito ang nasugatan naganap kamakalawa sa highway ng Sipocot, Camarines Norte.

Ang mga  nasawi ay kinilalang sina Bernie Nocete, 35-anyos, driver ng motorsiklo, ng Lupi, Camarines Sur, empleyado sa munisipyo ng Sipocot; Ivy Marie Angob, 21, ng Calbayog City at isa pang ina­alam pa ang pagkakakilanlan na  pawang pasahero ng bus.

Itinakbo naman sa Bicol Medical Center ang 5 katao na nasugatan makaraang  mahulog sa kanal sa tabi ng highway  ang bus. Habang ang dalawa pang sugatan ay pawang kaangkas sa motorsiklo ni Nocete.

Sa ulat, nabatid na galing sa Maynila ang Ultra bus na minamaneho ni Rex Turingan, 29, ng Pasay City; na patungong Southern Leyte nang mag-overtake ito sa isang delivery truck sa pakurbadang bahagi ng Rolando Andaya highway dakong alas-7:00 ng gabi at minalas na mabangga ang paparating na motorsiklo.

Sa lakas ng banggaan ay nawalan ng kontrol sa manibela ang driver kaya nagpagiwang-giwang ang bus na dumeretso sa isang kanal na naging sanhi ng pagkasugat ng mga pasahero nito.

 

vuukle comment

BERNIE NOCETE

BICOL MEDICAL CENTER

CALBAYOG CITY

CAMARINES NORTE

CAMARINES SUR

IVY MARIE ANGOB

PASAY CITY

REX TURINGAN

ROLANDO ANDAYA

SIPOCOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with