^

Police Metro

Evacuees sa Tent City uuwi na

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Uuwi na sa kani-kanilang lalawigan sa Eastern Visayas ang mga evacuees ng bagyong Yolanda na nanatili ng higit isang buwan sa tent city sa Pasay City.

Ayon kay  Pasay City Social Welfare Department head, Rosalinda Orobia na hanggang Ene­ro 16 na lamang ang tent city na kung saan ay  nasa 32 pamilya o 93 katao ang kasalukuyang nananatili.

Ihahatid sa pamamagitan ng inupahang pampasaherong bus ang mga evacuees pabalik sa kanilang mga bayan sa Leyte at Samar.

Dahil sa dami ng bitbit na gamit at mga relief goods na natanggap ng mga evacuees mula sa iba’t ibang sponsors ay aabot sa 12 bus ang kakailanganin.

Nakaipon na rin umano ng higit sa P30,000 ang bawat pamilya na bigay ng mga donors para magamit ng mga ito sa kanilang pagbangon sa sariling lalawigan.

Nabatid simula nang itayo ang tent city noong Nobyembre 19, nasa 152 pamilya ng biktima ng bagyo ang napagsilbihan at karamihan sa mga ito ay nasundo agad ng kanilang mga kaanak sa Metro Manila at karatig lalawigan, ang iba na may pera ay pinili na mangupahan, habang ang iba na wala talagang matutuluyan ay nanatili sa tent city.

 

AYON

CITY

DAHIL

EASTERN VISAYAS

METRO MANILA

PASAY CITY

PASAY CITY SOCIAL WELFARE DEPARTMENT

ROSALINDA OROBIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with