Paslit patay sa baril ng tatay
MANILA, Philippines - Nasawi habang nilalapatan ng lunas ang isang 3-anyos na batang lalaki matapos na tamaan ng bala mula sa bumagsak na baril ng ama na isang sekyu kamakalawa sa Balaoan, La Union.
Kinilala ni La Union Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Ramon Rafael ang biktima na si Christian Dave Bocarille, ng Brgy. Nagsabaran, Balaoan ng lalawigan.
Ang bata ay binawian ng buhay sa pagamutan matapos itong mapuruhan ng tama ng bala ng cal. 38 revolver ng ama nitong si Elpedio Bocarille na isang security guard.
Batay sa ulat, bandang alas-12:30 ng tanghali habang naghahanda ng pananghalian ang mga magulang ng bata na sina Elpidio at Christine Bocarille nang hilahin nito ang clutch bag ng ama na nakasabit sa dingding.
Dahil dito ay bumagsak sa sahig ang baril na bigla na lamang umalingawÂngaw ang isang putok kasabay ng pag-iyak ng bata na duguang isinugod sa Balaoan District Hospital hanggang sa ilipat ito sa Lorma Hospital, pero nabigo ng maisalba ang buhay.
Kasalukuyan inaalam ng pulisya kung lisensyado ang baril ng nasabing sekyu na ipinasurender na rito kasama ang apat na bala at isang basyo.Isinailalim na sa paraffin test ang ama ng bata at sa ballistic examination naman ang pumutok na baril.
- Latest