^

Police Metro

Pasyente nag-dive sa ika-5 palapag ng ospital

Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Natuluyan sa ikala­wang pagkakataon na pagpapakamatay ang isang lalaki na magpapa-check-up sana sa Saint Luke’s Medical Center matapos na tu­malon ito sa ikalimang palapag ng hagdanan ng ospital kahapon sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinila­lang si Jose Burdeoes, 31, na nagpunta sa nasabing ospital para sa check up ng kanyang sakit sa pag-iisip.

Batay sa ulat, dakong alas-12:10 ng tanghali nang magpunta sa ospital, partikular sa medical arts building na bahagi ng Saint Lukes ang biktima kasama ang kanyang kaanak para magpa-konsulta.

Habang naghihintay umano ay pansamantalang iniwan ang biktima ng kanyang kaanak, hanggang sa tumayo ang una patungo sa hagdan na nasa ikalimang palapag  at tumalon.

Ayon pa sa imbestigasyon, nagtangka na rin magpakamatay noong nakaraang mga araw ang biktima sa hindi mabatid na kadahilanan, sanhi para dalhin nila ito sa ospital para ma-examine.

vuukle comment

AYON

BATAY

HABANG

JOSE BURDEOES

MEDICAL CENTER

NATULUYAN

QUEZON CITY

SAINT LUKE

SAINT LUKES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with