Misis tinodas, mister nag-suicide
MANILA, Philippines - Nauwi sa kamatayan ang mainitang pagtatalo ng mag-asawa nang barilin at mapatay ng mister ang kanyang misis at pagkatapos ay sinunod din niya na barilin ang sarili na naganap sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Tobod, Barili, Cebu.
Ang nasawing mag-asawa ay kinilalang sina Marictel Georondoy, 33 at Rodelito Georondoy, 34, magsasaka pawang residente sa lugar.
Sa inisyal na ulat, bago ang insidente naganap dakong alas-7:25 ng umaga ay nagkaroon nang mainitang pagtatalo ang mag-asawa sa hindi pa malamang kadahilanan.
Kaya naman dakong alas-8:00 ng gabi kamakaÂlawa nang kunin ng magulang ni Marictel ang mga anak nito dahilan sa nag-aaway ang mag-asawa at upang hindi na umano maÂdamay pa ang mga bata sa sigalot.
Ilang minuto lang ang nakakalipas ay nakarinig ang mga kapitbahay ng mga putok ng baril na nagmula sa bahay ng mag-asawa.
Kinabukasan ay nag-usÂyoso ang mga kapitbahay sa bahay ng mag-asawa at dito ay nakita ang bangkay ng mga ito.
Narekober ng mga opeÂratiba ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) team sa crime scene ang isang cal.45 pistol at isang magnum .357 na may isang magazine at dalawang live ammunitions.
Malaki ang hinala ng pulisya na posibleng binaril muna ni Rodelito ang kanyang misis bago nito tinapos ang sarili.
- Latest
- Trending