^

Police Metro

Travel tax pinagagamit sa seguridad ng airport

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Upang mapaganda at ma­ging maayos ang seguridad ng Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA) ay dapat gamitin ang travel tax ng 32 milyon pasahero na umaabot sa P16.5 bilyon.

Ito ang sinabi ni Senador Ralph Recto, para mas ma­ging maayos ang pagpapalakad dito at maalis ang tawag na “world’s worst” airport.

Sinabi ni Recto na kung ang isang mall na naniningil lamang ng P10 para sa paggamit ng kanilang “hotel-like toilet”, walang dahilan para ang isang airport na naniningil ng P550 terminal fee at P1,620 travel tax ay hindi makapagbigay ng mas magandang serbisyo.

Noong 2012 ang Manila International Airport Autho­rity (MIAA) ay nakapagtala ng gross operating income na P8.23 bilyon at net income na P2.64 bilyon, samantalang ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Autho­rity (TIEZA) ay nakakolekta umano ng P3.5 bilyon travel tax, at ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ay nagtala ng P4.7 bilyon  gross income at net income na P1.93 bilyon.

Ang tatlong ahensiya ng gobyerno ang magkakatulong na nagpapatakbo ng NAIA.

Idinagdag pa ni Recto na hindi kasama sa national budget ang paggasta ng kita at pondo nila, kaya mas madali anyang maglaan ng pondo kung drin­king fountains, couches, at malinis na comfort rooms lamang ang bibilhin.

BILYON

CIVIL AVIATION AUTHORITY OF THE PHILIPPINES

IDINAGDAG

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHO

NINOY AQUINO INTERNATIO

NOONG

SENADOR RALPH RECTO

TOURISM INFRASTRUCTURE AND ENTERPRISE ZONE AUTHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with