^

Police Metro

Rider pisak sa trak

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pisak ang isang motorcycle rider, makaraang magkabanggaan nito ang isang dump truck habang binabagtas ang kahabaan ng Quezon Avenue, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PO1 Leo­nardo Policarpio ng Quezon City Traffic Sector 4,  ang biktima na si Renee Boy Aquino, 30,  motorcycle dealer at  residente sa #164 Bignay St., Pro­ject 2, Quirino 2-C, sa lungsod.

Ayon kay Policarpio, nasa kustodiya na nila ang driver ng truck na si Joseph Caponpon, 40, may-asawa, ng Sitio Sabang, San Roque Angat, Bulacan at nakatakda nilang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in damage to property with homicide.

Sa ulat ng imbestigador, nangyari ang insidente sa Eastbound lane ng kahabaan ng Quezon Ave­nue, sa harap ng Hi-Top Supermarket, Barangay South Triangle, ganap na alas-11:30 ng gabi.

Minamaneho ni Aquino ang kanyang Yamaha Mio sporty motorcycle (5820-XZ), habang si Caponpon naman ay minamaneho ang isang Hyundai dump truck (UQQ-831) at kapwa binabagtas ang nasabing kalye, nang pagsapit sa eksaktong lugar ay nagkabanggaan ang mga ito.

Sa lakas ng banggaan, bumuwal pakaliwa sa kalsada ang motorsiklo dahilan para mahagip ng  gulong ng trak ang biktima.

 Ani Policarpio, nakasuot naman ng helmet ang biktima nang mangyari ang insidente, subalit hindi nito kinaya ang trak

 

vuukle comment

ANI POLICARPIO

BARANGAY SOUTH TRIANGLE

BIGNAY ST.

HI-TOP SUPERMARKET

JOSEPH CAPONPON

POLICARPIO

QUEZON AVE

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with