^

Police Metro

Kelot inutas ng bayaw na hilaw

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang isang 27-anyos na lalaki matapos na saksakin ng kanyang bayaw na hilaw dahil sa ginawa nitong panggugulpi sa kapatid na live in partner nito na bagong panganak kamakailan sa Quiapo, Maynila.

Ang nasawi ay kinila-lang si Ian Jumawan, 27, electrician, na nagtamo ng saksak sa dibdib at ibang parte ng katawan.

Ang suspek na nadakip agad ng pulisya ay kinilalang si Asher Sinday, 33, taxi driver, ng Block 2, Lot 13, Camia St., TS Cruz, Alamanza-II, Las Piñas City.

Sa ulat, dakong alas-4:30 ng hapon  ay sinumbatan ni Chona Sinday ang biktima na  nasa shop nito sa  panulukan ng Florante at Evangelista Sts., Quiapo, Maynila kung bakit pinabayaan siya at hindi man lang dumalaw sa kanyang panganganak sa pamamagitan ng ceasarian noong araw ng Pasko na kung saan ay namatay ang sanggol hanggang sa mailibing.

Nagalit ang biktima at tinadyakan si Chona na noon ay kasama ang kapatid na sumundo sa kanya.

Umawat ang suspek, subalit natamaan nito ang biktima sa bibig na ikinagalit nito hanggang sa kumuha ng patalim at hinabol ng saksak ang una.

Nagawa umanong maagaw ng suspek ang patalim sa biktima at sinaksak niya ito.

 

ALAMANZA

ASHER SINDAY

CAMIA ST.

CHONA SINDAY

EVANGELISTA STS

IAN JUMAWAN

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

LAS PI

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with