^

Police Metro

12 tinamaan ng ligaw na bala

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa 12 katao na ang nagiging biktima ng ligaw na bala sa iba’t ibang bahagi ng bansa kaugnay ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Inihayag ni PNP Spokesman Sr. Supt.Wilben Mayor, mula sa 11 ay  nadagdagan pa ng isa ang mga biktima ng ligaw na bala, apat sa National Capital Region, dalawa sa Region IV A, isa sa Region V, dalawa sa Region VI, dalawa sa Region XII at  isa sa Cordillera mula Disyembre 16 hanggang sa kasalukuyan.

Samantala, 16 katao ang dinakip dahil  sa pagbebenta ng ipinagbabawal o mga delikado at mapa­nganib na paputok at nakasamsam ng 7,431 illegal na paputok na nagkakahalaga ng P1.26 M. Kabilang dito ay ang Super Yolanda, Goodbye Napoles at My Husband’s Lover.

Sa naitala namang 85 insidente ng mga nasugatan na inireport sa PNP, 44 dito ay sanhi ng malalakas na uri ng paputok.

vuukle comment

BAGONG TAON

DISYEMBRE

GOODBYE NAPOLES

INIHAYAG

MY HUSBAND

NATIONAL CAPITAL REGION

REGION V

SPOKESMAN SR. SUPT

SUPER YOLANDA

WILBEN MAYOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with